BBM-Sara tandem dinumog sa Bulacan

BULACAN, Philippines — Dinumog ng libu-libong supporters sa Bulacan sina UniTeam presidential aspirant Ferdinand “Bongbong”Marcos Jr. at running mate Mayor Sara Duterte na indikasyong patataubin nila ang kanilang mga kalaban sa “vote rich” na lalawigan sa May 9, 2022 national election.

“Kitang-kita po sa dami ng mga nagpunta ngayon dito kung ano ang pulso ng Bulacan,” pahayag ni Vice Governor Willy Sy-Alvarado, gubernatorial candidate na ang tinutukoy ay ang pagbaha ng suporta sa tandem nina Marcos at Duterte.

Sa kanyang talumpati sa campaign rally, ipinagmalaki at ipinakilala ni Sy-Alvarado si BBM bilang susunod na Pangulo ng Pilipinas at “captain of the ship”. Si Marcos ay nagwagi sa Bulacan noong 2016 vice presidential race.

Sa kanyang talumpati kasabay ng International Women’s Day sa harap ng mga hindi magkamayaw na supporters sa Gui­guinto, Bulacan, binigyang diin naman ni Mayor Sara na kailangang panaigin ang lakas ng mga kababaihan sa pagpapaunlad ng ekonomiya at komunidad.

Inihayag nito na hindi matatawaran ang lakas ng kababaihan na minsan nang pinatunayan ni Trinidad Tecson ng Biak na Bato, San Miguel, Bulacan noong panahon ng digmaan.

“Magnegosyo ta Day,” pahayag ni Sara kung saan pinatunayan ng mga kababaihan ang kanilang husay sa micro enterprise na nasaksihan niya mismo sa kanyang lungsod sa Davao.

Previous MAY ELECTION LABANAN NA LAMANG SA 2ND PLACE – KALYE SURVEY

Leave Your Comment

Dubai, United Arab Emirates

BBM Updates

The latest BBM news, articles, and resources, sent straight to your inbox every month.

TheBuangons.Org BBM-SD Supporter 2022